hero image

Apollo Quiboloy

Nation Builder

hero image

Apollo Quiboloy

Nation Builder

featured image

Kabutihan ni Pastor Apollo Quiboloy, kinilala sa campaign rally sa Laguna

Posted: March 7, 2025

Share the Love

Sta. Rosa, Laguna – March 6, 2025 –Mainit na pagtanggap ang sumalubong sa kampo ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ginanap na town hall meeting sa Barangay Macabling, Sta. Rosa, Laguna. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng daan-daang residente na sabik na mas makilala ang butihing Pastor at ang kaniyang adhikain para sa bayan.

Sa pahayag ng Punong Barangay na si Ginang Adoracion Ong-Iko, kaniyang pinuri ang maka-Diyos na paninindigan ni Pastor Quiboloy at ang malasakit nito sa kapwa.

“Nakita ko sa kaniya na talagang maka-Diyos siya. Pag ang tao'y maka-Diyos, mahal niya ang Panginoon at mahal din niya ang kapwa. Alam ko na siya ang tunay na makakatulong sa amin, lalo na sa mga nangangailangan,” ani Kapitana Ong Iko.

Samantala, isa sa mga dumalo sa town hall meeting ay si Dennis Bustillo, mas kilala bilang “Mama Dens,” na isang Regional Director ng Piliin Mo Pilipinas movement. Ibinahagi niya ang kanyang naging obserbasyon kay Pastor Quiboloy lalo na noong kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

“Noong una, hindi ko siya kilala. Pero noong sumuporta siya kay Pangulong Duterte, doon ko nakita kung gaano siya katapang at kabait. Nakita ko rin ang kaniyang pagiging matulungin, lalo na sa mga nasalanta ng [pagsabog] ng Bulkang Taal,” ani Mama Dens.

Isa rin sa mga dumalo sa naturang rally si Nanay Zenaida, na nagkaroon ng mga agam-agam tungkol sa mga paratang laban kay Pastor Quiboloy. Subalit, matapos marinig ang mga pahayag ng butihing Pastor, nawala ang kaniyang mga pagdududa.

“Narinig ko na laban siya sa korapsyon, laban siya sa droga, at sa lahat ng masasamang bagay. Kaibigan pa niya si Digong, kaya masasabi kong okay siya,” pahayag ni Nanay Zenaida.

Ang matagumpay na campaign rally sa Sta. Rosa, Laguna ay patunay ng lumalakas na suporta ng taumbayan kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa kaniyang adbokasiya para sa Diyos at sa bayan.

Media Contact:

Hannah Jane Sancho

Media Relations [email protected]

[email protected]

+639-177-141-820

Be Connected with us on
RumbleTwitter XFacebookYouTubeTikTok
tagline
Privacy Policy
© 2024 · Apollo C. Quiboloy · All Rights Reserved.
hero image

Apollo Quiboloy

Nation Builder

HomePlatformsNewsArticlesQuotesVideosEvents
Volunteer
BABALA: Kamakailang Misinformasyon Tungkol kay Pastor Apollo QuiboloyMore info